PINAYUHAN ng kasamahang kongresista si Sarangani Rep. many Pacquiao na tutukan ang kaniyang propesyon at huwag ang pangarap nitong maging president sa 2016.
Ito ay kasunod ng pahayag ni Pacman na may pangarap siyang maging presidente ng bansa na aniya’y matagal na niyang pinangarap bagama’t walang katiyakan kung kailan ito magaganap.
Ayon kay Gabriela Partylist Rep. Emmie de Jesus hindi ibig sabihing isang mahusay na boksingero si Pacquiao ay maaari na syang maging mahusay na Pangulo ng bansa.
Giit pa ng mambabatas kay Pacman, gawin sana nitong produktibo ang ikalawang termino nito sa Kongreso at pagbuhusan ng focus ang kaniyang distrito.
“Pinakamainam na para kay Manny ang magkaroon ng focus sa kanyang propesyon. Ang husay niya bilang boksingero at hindi nangangahulugan na pwede na siyang maging pangulo. Sa kanyang ika-2 termino, marami pang dapat gawin si Manny bilang kinatawan ng kanyang distrito,” ani de Jesus.
Una ng inamin ni Pacquiao sa isang panayam sa kanya na ikinukunsidera nito ang pagtakbo sa pagka-pangulo sa 2016 elections.
The post Solon kay Pacquiao: Magfocus sa propesyon at distrito appeared first on Remate.