PATAY ang isang menor de edad na out of school youth nang barilin ng kanyang kainuman kagabi sa Tondo, Maynila.
Dead on arrival sa Mary Johnston Hospital ang biktima na si Mark Derly Lorbes, 17, ng Blk.5 Lot 2 Sitiong Damayan, Smokey Mountain, Tondo, Maynila.
Pinaghahanap naman ang suspek na nakilala lamang sa pangalang Edmond,18, ng Blk.1 ng nasabi ding lugar.
Sa report ni PO2 Crispino Ocampo ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas 8:15 ng gabi sa loob ng bahay ng suspek.
Nauna rito, nag-iinuman umano ang biktima kasama ang suspek at dalawa pa na nakilala lamang sa alias na Jayson at Buboy.
Habang nag-iinuman,inutusan umano ng biktima ang nakababatang kapatid na si Kenneth na bumili ng tube ice sa kalapit na tindahan.
Hindi pa man nakakalayo si Kenneth ay nakarinig na ito ng malakas na putok ng baril kaya agad siyang bumalik sa bahay ng suspek kungsaan inabutan nitong duguang nakahandusay ang kanyang kuya.
Matapos ang pamamaril ay agad na tumakas ang mga suspek habang naisugod pa s aospital ang biktima ngunit namatay din sanhi ng tinamong tama ng improvise shotgun sa kanyang tiyan.
The post Menor de edad, patay sa kainuman appeared first on Remate.