NANGANGAILANGAN ngayon ng traffic czar para sa buong Metro Manila.
Ito ang rekomendasyon ni Quezon City Rep. at House Metro Manila Development Committee chairman Winston Castelo kay Pangulong Benigno Aquino.
Sinabi ni Castelo na dapat mayroong sapat na kapangyarihan ang itatalagang traffic czar para tapusin ang problema sa gridlock sa mga lansangan ng kalakhang Maynila.
Ginawa ng mambabatas ang rekomendasyon sa kabila ng pamumuno na ni Metro Manila Development Authority chairman Francis Tolentino na nangangasiwa ng daloy ng trapiko sa Metro Manila.
Hiniling din ni Castelo ang pagbuo at pagpapatupad sa unified traffic scheme sa buong Metro Manila at idaan muna ito sa serye ng kunsultasyon.
Kung iiral, aniya, ang unified traffic scheme ay magkakaroon ng synergy sa 16 na lungsod at isang munisipalidad sa Metro Manila sa usapin ng trapiko at maiiwasan ang gridlock sa maraming lugar.
Ipinaliwanang pa ng kongresista na hindi maaaring magkanya-kanya ng sistema sa pangangasiwa sa trapiko ang bawat local government sa kalakhang Maynila dahil nagreresulta ito sa problema.
The post Traffic czar sa Metro Manila,inirekomenda kay PNoy appeared first on Remate.