PINAGTATAGA at pinagsasaksak kagabi sa loob ng kanyang bahay ang isang 26-anyos na helper sa Paco, Maynila.
Hindi na umabot ng buhay sa Philippine General Hospital ang biktimang si Marlon Pijana, may-asawa, miyembro ng Batang City Jail at helper ng Jackson Chrisostomo Flour Products at residente ng 1440 JMC Copr., Escoda St., Paco, Maynila sanhi ng saksak at taga sa katawan.
Inaalam naman ang pagkakakilanlan sa mga suspek na tumakas matapos ang insidente.
Sa report ni SPO2 Ronald Gallo ng MPD-homiicde section, dakong 6:45 ng gabi nang naganap ang inisdente sa loob ng bahay ng biktima.
Ayon kay Alvin Castillo, 24, kasama sa kuwarto ng biktima, bago naganap ang insidente ay inutusan ni Pijana ang una na bumili ng kanilang makakain sa hapunan sa pinakamalapit ng karinderia.
Nang bumalik ito sa kanilang inuupahang bahay ay tumambad sa kanya ang nakahandusay at duguang biktima kaya agad itong humingi ng saklolo sa isang Rodel Purog, isang tricycle driver at dinala ang biktima sa ospital subalit idineklaang dead on arrival.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, lumalabas na magulo ang kagamitan ng biktima na hinihinalang nanlaban ito,tadtad ng saksak at taga sa katawan.
Mistulang pipi naman ang mga kalapit kuwarto ng biktima hinggil sa insidente.
The post Helper sinaksak, tigbak appeared first on Remate.