NAMATAY ang asawa ng barangay secretary ng Brgy. San Julian, Solsona, Ilocos Norte matapos saksakin ng hindi pa kilalang suspek.
Kinilala ng awtoridad ang biktima na si Maximo Bondoc, 29, isang magsasaka.
Ayon kay S/Insp Freddie Evangelista, chief of police ng Solsona, patay na ang biktima nang matagpuan ng kanyang asawa at anak sa isang sulok ng kanilang bahay.
Sinabi ni Evangelista na may tama si Bondoc ng limang saksak sa leeg at isa sa kili-kili.
Patuloy ang imbestigasyon sa insidente upang malaman ang tunay na motibo sa pananaksak sa biktima.
The post Asawa ng Brgy Sec. tinarakan, dedo appeared first on Remate.