Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Consultant ng real estate hinimatay, patay

$
0
0

PATAY ang isang consultant ng isang Real Estate kahapon nang bumagsak habang naglalakad patungo sa bahay ng isang kaibigan sa Sampaloc, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Rodrigo Villanoz, nasa wastong edad at Property Consultant ng Omniland Estate Realty Corp. at residente ng 67-K 10th St., Kamias, Quezon City.

Sa report ni PO3 Julieto Malindog ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 2:30 ng hapon nang naganap ang insidente sa harapan ng bahay sa 963 Josefina Apartment 3rd St., Sampaloc, Manila.

Ayon sa salaysay ni Nicole Anne Umaweg, 7, nasa labas siya ng kanilang bahay nang nakita ang biktima na bigla na lamang itong bumagsak sa semento sabay ng pagbuhos ng ulan kaya pumasok siya sa kanilang bahay at sinabi sa kanyang ama na si Larry.

Bagama’t malakas ang buhos ng ulan ay lumabas pa rin si Larry at tinignan ang biktima saka inireport kay Elvis De Guzman, Kagawad ng Brgy. 531 Zone 52, Dsitrict 4, Sampaloc.

Ayon kay Manuel Fernandez, 56, ng 966 Josefina Apartnent, may usapan sila na dadalaw sana ang biktima sa kanilang bahay subalit ilang hakbang na lamang ay hindi na nakarating sa kanila.

Inamin din ni Fernandez na may sakit sa puso at mataas ang presyon ng dugo ang biktima kung saan na-confine ito sa East Ave., Medical Center. (Jocelyn  tabangcura-Domenden)

The post Consultant ng real estate hinimatay, patay appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


Pipi’t-binging tomboy, dinalirot ng pinsan


WAKAWAK


Jewelry store sa SM Megamall hinoldap


15-anyos, niluray ng amain


JOURNEY NI GEN. RICHARD ALBANO, EMOSYONAL


Ibong Adarna Script


KASERA


PAGBABATA


Dr. Prospero R. Covar, Tagapagtatag ng Pilipinolohiya


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar


KANTUTAN


5 rice trader kinasuhan ng smuggling


Liza Soberano, kinaiinisan na agad


Long Mejia may sex scandal


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


ATSWETE


HALINGHING


PANGIMBULUHAN


BEMBANG


10 sugatang sundalo vs ASG, pinangalanan na



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>