Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Renewable energy sagot sa energy crisis sa Mindanao – Obispo

$
0
0

DISMAYADO si Marbel Bishop Dinualdo Bishop Gutierrez sa tila kawalan ng interes ng Pangulong Benigno Aquino na i-develop ang ‘renewable energy’ sa Mindanao para malutas ang nararanasang energy crisis sa rehiyon.

Sinabi ng Obispo, “seriousness at willingness” ang kailangan ng Pangulong Benigno Aquino III para maresolba at masolusyunan ang energy crisis sa Mindanao.

Naniniwala ang Obispo na pino-protektahan lamang ng Pangulong Aquino ang kanyang mga kaibigan na nag-ooperate ng minahan at mga coal fired power plant sa Mindanao tulad ng Aboitiz kaya wala itong tiwala sa kabutihang dulot at pagiging accessible ng renewable energy sa rehiyon.

Ayon sa Obispo, mis-inform lamang ang Pangulong Aquino ng kanyang mga adviser sa kabutihang dulot at pagiging epektibo ng renewable energy mula sa hangin at araw na ginagamit ng Diocese ng Marbel sa kasalukuyan.

Binigyan diin ni Bishop Gutierrez na punong-puno o sagana sa “biomass” ang rehiyon ng Mindanao.

Kaugnay nito, pinayuhan ng Obispo ang pangulong Aquino na konsultahin ang mga marurunong sa Department of Science and Technology tungkol sa development ng renewable energy na tanging solusyon sa energy crisis sa Mindanao bukod pa sa pagiging environment friendly.

Iginiit ni Bishop Gutierrez na maraming waterfalls,maraming dagat, mga ilog na puwedeng i-convert ng pamahalaan sa hydro plant at solar energy tulad ng Maria Cristina falls.

The post Renewable energy sagot sa energy crisis sa Mindanao – Obispo appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan