Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Japan, tutulong para maprotektahan ang PHL territory

$
0
0

NANGAKO si Japanese Prime Minister Shinzo Abe na makikipagtulungan ang kanyang gobyerno para protektahan ang teritoryo ng Pilipinas.

Ito ang mensahe ng punong ministro na dumating sa bansa nitong Biyernes ng gabi bilang bahagi ng three-country state visit nito sa Timog Silangang Asya.

Sa kanyang talumpati, iginiit ni Shinzo ang kahalagahan ng kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at Japan pagdating sa usaping teritoryal.

Parehong nakakaalitan ng Pilipinas at Japan ang China kaugnay ng ilang teritoryo.

Habang pinag-aagawan ng China at Pilipinas ang West Philippine Sea, nakikipagtalo naman ang Beijing sa Japan patungkol sa ilang isla sa East China Sea.

Inaasahang nangunguna sa listahan ng tatalakayin ng prime minister at ni Pangulong Noynoy Aquino ang territorial dispute sa China bukod pa sa usaping pang-ekonomiya.

Aprubado na rin ng Japan ang loan para makabili ang Philippine Coast Guard ng 10 bagong patrol boat na dadating sa susunod na dalawang taon.

Ang pondo ay manggagaling sa Japan International Cooperation Agency.

Sa Sabado ng hapon ang balik ni Shinzo sa Japan.

The post Japan, tutulong para maprotektahan ang PHL territory appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>