NAGPALABAS na ang Philippine Electricity Market Corporation (PEMC) ng kanilang huling hatol sa Albay Electric Cooperative (Aleco) para itigil ang suplay ng kuryente dahil sa kabiguan pa rin nitong mabayaran ang napakalaking pagkakautang.
Ayon kay Ms. Hazel Morallos, tagapagsalita ng ALECO, puputulan na ng PEMC sa pamamagitan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang pagsusuplay nito ng koryente sa darating na Hulyo 31.
Napag-alaman na maliban sa P7 million na dapat sanang bayaran ng Aleco mula sa balanse nito sa PEMC sa nakaraang buwan na bill, meron pa itong utang na aabot sa P11 million sa NGCP at aabot pa sa P74 million na current bill nito sa PEMC.
Bukod pa rito ang P1 bilyong utang sa iba pang power suppliers.
Sa ngayon, sa kabila ng ilang araw pang palugit para makalikom ng nasabing halaga, ramdam pa rin ng Aleco ang magdilim ang lalawigan.
The post Disconnection notice vs Albay electric coop, ipinalabas appeared first on Remate.