MATAPOS ihayag ni Customs Commissiner Ruffy Biazon na sisibakin ang 17 kolektor ng bureau ay umaasa naman ito na sa Lunes ay may magsusumite na ng kani-kanilang resignation.
Ayon sa komisyuner, sakali aniyang masimulan na ang rigodon sa bureau ang mga tinaguriang mga “hari” o kolektor ay malaki ang epekto nito sa operasyon lalo na sa mga protector sa smuggling.
Kahapon, pinagbibitiw ni Biazon ang lahat ng District at Subport Collectors at Officer-in-charge ng lahat ng Ports at subports ng kawanihan.
Ang kautusan ni Biazon ay nakasaad sa Section 703 ng Tariff and Custom Code of the Philippines kung saan nakasaad na “the Commissioner of custom may, with the approval of the Secretary of Finance, assign any employee of the BoC to any port, service, division or office within the Bureau or assign him duties as the best interest of the service may require, in accordance with the staffing pattern or organizational set up as may be prescribed by the Commissioner of Customs with the approval of the Secretary of Finance”.
Ibabase naman, aniya, ang re-assignment ng mga District Collectors at OIC’s sa kanilang performances, collections, mga natanggap na reklamo at commitment sa reporma ng kawanihan.
Damay din sa mare-reassign ay si MICP District Collector Ricardo “Boyce” Belmonte, kapatid ni Speaker Feliciano ‘Sonny’ Belmonte.
The post Balasahan ng 17 kolektor sa BoC, tuloy – Biazon appeared first on Remate.