Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Bomba sumabog sa CDO mall complex; 6 lagas, 28 sugatan

$
0
0

ANIM ang agad nalagas kabilang ang isang board member habang 28 naman ang sugatan, dalawa naman dito ang kritikal nang sumabog ang ikinasang improvised explosive device (IED) sa Cagayan de Oro City nitong Biyernes ng gabi (Hulyo 26).

Dead on the spot sahi ng tinamong shrapnels sa katawan ang iba pang biktima na sina Anthony Cañete ng Iligan City, Ryan Estose ng Meganheights Subdivision, Gusa Cagayan de Oro City at Emmanuel Palafox ng Zamboanga City. Ang tatlo ay pawang empleyado ng pharmaceutical Sandoz Philippine Corporation.

Hindi na umabot ng buhay sa Cagayan de Oro City Hospital sanhi ng tinamong shrapnels sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang sina Misamis Oriental Board member Roldan Lagbas.

Dalawa pang biktima na hindi rin umabot ng buhay sa iba namang pagamutan ay kinilalang sina Dr. Erwin Manalay at si Antonio C. Paredes na kapwa pharmaceutical representatives.

Kulang-kulang naman sa 28 katao, dalawa sa kanila ang kritikal ang isinugod sa ilang ospital sanhi ng tinamong kapansanan sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Naganap ang insidente dakong 11:10 nitong Biyernes ng gabi sa tapat ng Kyla’s Bistro restaurant sa parking area ng Lim Ket Kai mall complex na nasa Rosario Arcade.

Ayon kay Cagayan de Oro City Police Director Graciano Mijares, bago ang insidente ay nagsasagawa ang mga opisyal at miyembro ng Philippine College of Chest Physicians (PCCP) ng kanilang 16th Midyear National  Convention sa Grand Caprice sa nasabing complex mall.

Pero dahil napuno na mga tao ang Kyla’s Bistro at Candy resto bar na karamihan ay mga doctor, umabot ang yugyugan na may live band sa parking space ng nasabing complex.

Sa kasagsagan ng sayawan at inuman, biglang sumabog ang isang bomba na pinaniniwalaan na gawa sa Mortar round na inilagay sa isang bagpacked ng isang nagpanggap na bisita bago iniwan sa gitna ng kasiyahan.

Sa lakas na pagsabog na umabot, nabasag ang mga salamin ng mga resraurants, bumaligtad ang mga mesa at upuan, at nasira rin ang ilan sa mga sasakyan ng mga bisita at narinig ang pagsabog ng may 4 kilometro ang layo,

Sinabi ni PNP regional director PC Superintendent Catalino Bagaslao Rodriguez Jr. na iniutos na niya ang pagtatag ng special investigation task group para tutukan ang nasabing pagsabog.

The post Bomba sumabog sa CDO mall complex; 6 lagas, 28 sugatan appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>