DUMULOG sa himpilan ng pulisya ang isang negosyante matapos na umano’y holdapin ng isang pulis-Maynila sa Quiapo, Maynila.
Sa reklamo sa Manila Police District-General assignment section (MPD-GAS), sinabi nina Alexander Bico, 54, may asawa, residente ng 62 Ermin Garcia street Cubao, Quezon City at si Bernard Quilnet, 21 anyos, binata, ng D-158 Mia Road Bgy. Piyahan Quezon City, na hinarang sila ng pulis na si SP02 Raul G. Cruz ng Manila Traffic Division.
Ayon sa mga complainant, sakay sila ng kanilang jeep at binabagtas nila ang kahabaan ng Legarda St. malapit sa Petron Gasoline Station sa Quiapo, Maynila nang parahin sila ni Cruz.
Agad namang huminto ang mga biktima kung saan sinita umano sila ng pulis kung bakit naninigarilyo sila sa loob ng sasakyan.
Upang hindi na tumagal pa ang diskusyon, nag-abot umano si Bico ng halagang P200 kay Cruz na kinuha naman nito sa biktima.
Gayunman, bigla umanong sumakay sa jeep ang pulis at kinapkapan nito ang dalawa kungsaan nakuha kay Bico ang P40,000 habang kay Quilnet ay P2,500 naman ang nakuha ng suspek.
Matapos makulimbat ang pera ng mga biktima ay agad itong sumakay sa kanyang motorsiklo na walang plaka at tumalilis palayo sa lugar.
Dahil dito, agad na nagtungo sa himpilan ng pulisya ang mga biktima upang ireklamo ang pulis.
Agad namang ipinag-utos ni P/General Isagani Genabe Jr. MPD Director ng manhunt laban sa pulis traffic.
The post Pulis trapik inireklamo ng hulidap, pinaghahanap appeared first on Remate.