TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Nasa kustodiya na ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Criminal Investigation and Detection Group sa Cotabato City ang naarestong suspek sa malagim na Ampatuan massacre sa Brgy. Manongcaling sa bayan ng Mamasapano, Maguindanao.
Sa report ng Maguindanao police provincial police office, naaresto ang suspek na kinilalang si Mama Habib dahil sa joint efforts ng militar at pulisya sa lalawigan.
Napag-alaman na ang suspek ay naaresto sa bisa na rin ng warrant of arrest na inilabas ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 221 na ngayon ay kabilang sa 190 mga suspek.
Sa ngayon, nasa mahigit 90 mga suspek pa ang “at-large” na patuloy pang pinaghahanap ng pulisya.
The post 1 pang suspek sa Ampatuan masaker, arestado sa Maguindanao appeared first on Remate.