BILANG bahagi ng patuloy na kampanya ng pulisya at local na pamahalaang lungsod ng Maynila kontra kriminalidad, nagsagawa ng saturation drive ang Manila Police District sa Tondo, Maynila.
Ayon kay MPD Station 5 P/Supt. Bong Mirando, nasa halos 50 kalalakihan ang binitbit sa presinto. Tatlo sa mga ito ang naaktuhang gumagamit ng iligal na droga, dalawa ang nagsusugal at isa ay nagmomotorsiklo ng walang kaukulang dokumento.
Isinagawa ang saturation drive sa may Baseco Compund.
Sinabi ni Mirando na kanilang ibeberipika kung may mga nakabinbing warrant of arrest ang mga lalaki inimbitahan sa presinto.
Sa oras naman aniya na malinis ang record ang mga hinuli ay agad din nilang pakakawalan.
The post 50 katao binitbit sa presinto sa saturation drive sa Baseco appeared first on Remate.