MATAPOS ang marahas na demolisyon ng 10 kabahayan kahapon, muli na namang nahaharap sa panibagong bugso ng demolisyon ngayong araw ang mga residente ng Phase 8, North Fairview dahil sa pangangamkam ng isang negosyante sa lugar na kinatitirikan ng kanilang tahanan.
Mahigit 100 pamilya ang nakaambang palayasin upang pagtayuan ng mga town houses na pag-aari ng mga negosyanteng kinabibilangan ng isang Angelito Dominguez.
Sa ulat ng mga residente, kasalukuyang nakabantay ang mga pulis sa kanilang lugar habang naghihintay ng mga demolition team.
Kahapon, naiulat na nagpaputok ng baril si Ramon Cabile, Chief Inspector ng QCPD Station 5, upang takutin ang mga nakabarikadang residente.
Samantala, naiulat din ang pananapak sa isang menor de edad ng isang mataas na opisyales ng Task Force COPRISS na si Noel Opiado.
The post Mga residente ng N. Fairview, nakabarikada vs demolisyon appeared first on Remate.