AGAW-BUHAY ngayon ang dalawang Korean nationals nang barilin ng apat na ‘di kilalang mga suspek na nangholdap sa kanila sa S. Cabahug corner Gochan, Barangay Mabolo, Cebu City.
Kinilala ang mga biktima na sina Choon Sool Chul, 22-anyos at si Heo Yekang, 27-anyos, na parehong pansamantalang nag-aaral sa isang Korean School sa siyudad.
Batay sa imbestigasyon ng mga pulis, pauwi na sa kanilang tinitirhan ang mga Korean nang biglang nilapitan ng mga suspek at nagdeklara ng hold-up.
Nakuha mula sa kanila ang P10,000 cash at mga cellphone na nagkakahalaga ng P30,000.
Sinubukan din ng apat na suspek na dukutin ang babaeng kasama ng mga biktima kaya nanlaban ang dalawang Koreano na naging dahilan sa pagkakabaril sa kanila.
Sa ngayon, patuloy ang ginawang follow-up operation ng mga awtoridad upang matukoy at mahuli ang mga suspek.
The post 2 Korean national binaril ng holdaper, kritikal appeared first on Remate.