MALAKI ang turnout ng mga nagpaparehistro para sa nalalapit na barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, positibo ang ipinakikitang interes ngayon ng publiko sa nakalipas na dalawang araw ng registration period kumpara sa mga nakaraang halalang pambarangay.
Aniya,sa nakaraang registration ay halos walang pumapansin sa unang araw ng pagpapatala, habang dumarami lamang ang mga ito sa mismong deadline ng registration period.
Nagsimula ang pagtanggap ng poll body ng registration noong Hulyo 22 at magtatapos sa Hulyo 31, 2013.
Tinatayang aabot sa 700,000 ang magpaparehistro para sa barangay polls, habang 2,000,000 kabataan naman para sa SK.
The post Turnout ng SK registration, malaki appeared first on Remate.