HINIMOK ng South Luzon Chambers of Commerce (SLCC) ang pamahalaan na isapribado ang mga pantalan sa rehiyon.
Ito’y upang matuldukan na ang mga kumplikasyong nagagawa ng Philippine Ports Authority (PPA) bilang regulator ng mga pantalan sa bansa.
Ayon sa PCCI Region 4A, layon nitong makapaghikayat ng mas maraming mga mamumuhunan at palakasin ang private ports.
Dahil dito, kakausapin ng mga negosyante ang Department of Transportation and Communications (DOTC) kaugnay sa nasabing usapin.
The post Pantalan sa Region 4A nais isapribado appeared first on Remate.