Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Lalaki binaril ng rider sa ulo, dedo

$
0
0

PAGHIHIGANTI umano ang dahilan ng pagpatay sa isang lalaki nang barilin ito sa ulo ng rider kaninang madaling araw sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Ricky Manzano, 27, pansamantalang nanunuluyan sa gilid ng barangay hall ng Brgy .33, Zone 3 Wagas St., Tondo, Maynila.

Nakatakas naman ang di nakilalang suspek na lalaki na umano’y sakay ng kulay dilaw na motorsiklo at inilarawang nakasuot ng itim na jacket, itim na pantalon, nakasumbrero ng bull cap.

Sa report ni SPO3 Glenzor Vallejo, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas 2:50 ng umaga nang maganap ang insidente sa Quezon  kanto ng Perla St., sa nasabing lugar.

Nauna rito, pauwi na umano ang biktima mula sa inuman nang salubungin ito ng suspek at walang sabi-sabing binaril sa ulo.
.
Ayon kay Vallejo, sangkot ang biktima sa mga insidente ng pandurukot, pang-aagaw at holdapan sa siyudad na pinaniniwalaang motibo sa pagpatay.

“Maaring  nabiktima ng biktima yung suspek kaya inabangan siya at ginantihan,” ayon pa kay Vallejo.

Dinala sa Universal Funeral Homes ang labi ng biktima para sa autopsy at safekeeping.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

The post Lalaki binaril ng rider sa ulo, dedo appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>