Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Pag-iwas ni PNoy sa isyu ng OFW pinuna

$
0
0

PINUNA ni Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez ang pag-iwas ni Pangulong Aquino sa mga kontrobersyal na isyu gaya ng overseas Filipino workers (OFW).

Bagama’t maraming isyung binanggit si PNoy lalo na ang pagpapakita ng mga numero at diagram ay iginiit ni Romualdez na hindi siya nag-iisa sa opinion na hindi naman nararamdaman ng mayorya ng mga Pilipino ang tinalakay ng pangulo na pagbabago at pag-angat ng ekonomiya.

“Sad to say na tapos na ang half time eh kumbaga pero ang pinag-uusapan pa rin ay ang PPP o Pantawid Pamilya Program. Iyong first half ay tila maraming nawaldas na oras sa pag-aaral, review tapos binabatikos iyong nakaraang administrasyon. Dapat alam ng administrasyon na three years na silang nasa kapangyarihan at kumbaga luma na iyang istorya,” ani Romualdez.

Kulang sa sustansya bukod sa mahaba, komento pa ng kongresista.

Taliwas naman dito ang naging reaksyon ni Anak Mindanao Rep. Sitti Djalia Turabin-Hataman na nagsabing kuntento siya sa detalyeng inilahad ng pangulo.

Bukod pa aniya rito ay narinig niya ang isyu ng Bangsamoro framework agreement sa pagitan ng gobyerno at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) kung saan tiniyak ng pangulo na kaniya itong itataguyod hanggang sa matapos ang kaniyang termino.

“Malaking bagay para sa amin ang kaniyang suporta sa Bangsamoro. Lalo na iyong binanggit ng pangulo na ang nais niyang ilaman sa agreement ay ang something na kayang ipasa sa Kongreso, kayang i-deliver,” ani Hataman.

The post Pag-iwas ni PNoy sa isyu ng OFW pinuna appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>