TINATAYANG 21 pulis at walong welgista ang nasugatan habang 8 estudyante ang inaresto makaraang magkatensyon sa Ever Gotesco sa Commonwealth Avenue kanina kaugnay sa SONA ni Pangulong Aquino.
Isa sa mga ito ang malubha ang naging tama na kinilalang si PO1 Juan Warren Panton na matindi ang pagdurugo ng mukha matapos tamaan ng hindi pa matukoy na matigas na bagay.
Kinilala ng Quezon City Police District (QCPD) ang 20 pang mga nasugatan na sina PSupt. Marcelino Pedrozo, QCPD 10; PO2 Don Crisostomo, San Juan Police; PO1 Jhembong Sanchez, Northern Police Dist; PO2 Robert Mojena, QCPD; PO1 Mark Yuccadi, RPSB; PO1 Norlito Daguman SPD; PO1 Warren Panton, Taguig Police; PO1 Kevin Khlein Bueno; PO1 Maybelline Bayug, RPSB PO2 Edgar Soriano, Parañaque; PO1 Rayjan De Venecia, Parañaque; PO1 Renel Tamayo, RPSB; PO1 de Jesus, RPSB; PO1 Jerome Realin, RPSB; PO1 Darwin Catabay, SPD;PO1 Eric Celario, SPD; PO1 James Locsin, SPD; PO3 Roger Abaco; SPO1 Mark Alexis Castellano; PO1 Rudy Querubin.
Sinira ng mga militanteng grupo ang barikadang bakal sa gitna ng east and west bound lanes malapit sa Ever Go¬tesco upang lalong mapalapit sila sa Batasan Complex.
Iniharang naman ng pulisya ang container vans at fire trucks sa parehong lanes upang mahadlangan ang mga nagpoprotesta na mapalapit sa Batasan Complex.
Walo ang inaresto ng mga pulis kung saan apat dito ay pawang mga estudyante ng University of the Philippines Diliman, na kasalukuyang nakadetine sa Camp Karingal.
The post Riot sa SONA: 21 parak sugatan appeared first on Remate.