TINATAYANG 18 pasahero ang nasugatan makaraang magbanggaan ang L300 van at Delica van sa Lucena City kaninang madaling-araw.
Bandang ala-1:00 ng madaling-araw nang mangyari ang aksidente sa Diversion Road, Barangay Kanluran Mayao habang nakatigil ang L300 van na minamaneho ni Joel Babiera sa nasabing kalsada nang mabangga ng Delica van mula sa likuran na minamaneho naman isang Alexander Matabaena Latuna, negosyante, kasama ang kanyang asawa, pawang taga-Barangay 45 Dita.
Dahil sa pagkakabangga bahagyang natulak ang L300 na nagdulot nang pagkakaroon ng minor injuries ng mga pasahero nito.
Napag-alaman na ang mga lulan ng L300 ay mga empleyado at ihahatid sana sa Quezon Poultry Livestock Corporation.
May ilan ding mga lulan ang nadamay lamang matapos sumabay sa nasabing sasakyan.
Kinilala ang mga sugatan na sina Zyra dela Criz; Ryan Garcia, 17; Geram Fontanilla 16; Rossana Danez, 46; Davin Aquino; Susan Acurin, 35; Bayziel Bragada; Marivic Bacsa; Irene Dominguez; John Lester Aquino; Rowena Bacsa; Alberto Bacsa, 15; John Christian San Buenaventura, 13; Janeth Durante, 32; Jalyn Durante, 15; Jocelyn Bacsa, 37; John Loyd Gonzales, 14; Melvin Merene, 23.
The post 2 van nagbanggaan: 18 pasahero sugatan appeared first on Remate.