MAHIGIT isang oras tumagal ang state-of-the-
nation address (SONA) ni Pangulong Aquino.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay umabot sa isang oras ast apatnapu’t limang minuto ang SONA ni PNOy, 87 palakpak at apat na beses itong huminto sa talumpati dahil sa pagkasamid.
Halos kumpleto ang gabinete at halos lahat ay tumanggap ng kaniyang papuri.
Namataan sa gallery ang kaniyang mga kapatid na sina Kris at Pinky.
Isa sa nagpagising sa ilang mga mambabatas na inantok sa kalagitnaan ng SONA ay ang pagbabanta ni Pangulong Aquino na malapit na niyang makilala ang lahat ng sangkot sa pagpatay sa Ozamis robbery gang leaders na sina Ricky Cadavero at kasama nitong si Wilfredo Panogalinga Jr.
The post 87 palakpak para kay PNoy sa SONA appeared first on Remate.