TINIYAK ni Pangulong Benigno Aquino III na sisimulan na ng Department of Agrarian Reform DAR) ang pagkakaloob ng mga titulo para sa mga benepisyaryong mabibigyan ng lupa ng Hacienda Luisita.
Sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa, Lungsod Quezon ay sinabi nito na sinabi sa kanya ni DAR Sec. Gil de los Reyes na sinimulan na noong nakalipas na linggo ang pagtutukoy ng bawat loteng makukuha ng mga benepisyaryo.
Isiningit ng Pangulong Aquino na noong Pebrero kung saan aniya ay alinsunod sa utos ng Korte Suprema ay nakumpleto na ng Department of Agrarian Reform ang listahan ng mga kwalipikadong benepisyaryo na mabibigyan ng lupa sa Luisita.
“Para naman po sa iba pang malalawak na lupain, matagal na nating inatasan ang DAR, DENR, LRA, at Land Bank na bumuo ng balangkas kung paano mapapabilis ang pagpoproseso sa pagbabahagi ng lupain. Ipaaalala ko lang po, tamang datos ang unang hakbang sa maayos na implementasyon ng CARPER, pero nagmana po tayo ng isang depektibong land record system. Kaya simula pa lang po, nagtrabaho na ang DOJ, LRA, DENR, at DAR para ayusin ang sistemang ito at nasa punto na tayo ngayon kung kailan kaya nating siguruhin sa susunod na taon naihain na ang lahat ng mga notice of coverage para sa mga lupaing saklaw ng komprehensibong repormang agraryo,” anito.
Samantala, naisingit pa ni Pangulong Aquino na banggitin sa kanyang SONA na paboritong ikabit sa kanyang pangalan ang Hacienda Luisita.
The post Benepisyaryo ng Hacienda Luisita bibigyan na ng titulo sa Setyembre appeared first on Remate.