PATAY ang dalawa katao kabilang ang isang negosyante habang isa naman ang kritikal makaraang barilin ng mga holdaper sa Zamboanga City.
Kinilala ang mga biktima na sina Evelyn Cuento Incarnado, 34, kasama ang dalawa pa niyang kaanak na sina Marjun Vesorio Cuento at Charlito Elumbaring Cuento, kapwa 24-anyos.
Nabatid na papauwi na ang tatlong biktima sakay ng motorsiklo nang sundan sila ng dalawang suspek na nakasakay din sa motorsiklo.
Pagdating sa Amor Village, Barangay San Jose Gusu ng lungsod, pinagbabaril ng isa sa mga suspek ang mga biktima at tinangay ang shoulder bag ng negosyante na naglalaman ng pera na nagkakahalaga lamang ng P5,000, cellphone at iba pang personal na gamit at agad tumakas mula sa lugar.
Dead on arrival sa ospital ang negosyante bunsod ng malulubhang tama ng bala sa ulo at katawan at namatay naman habang ginagamot sa ospital ang isa pang biktima.
The post 2 todas sa pamamaril sa Zambo appeared first on Remate.