ITINAKDA sa Hulyo 29, ang pre-bid conference para sa pagbili ng Philippine Army ng kanilang bagong uniporme na 100% cotton na nagkakahalaga ng P45 milyong.
Ayon sa Philippine International Trading Corporation (PITC) isang government corporation sa ilalim ng Department of Trade and Industry (DTI) na mangangasiwa sa bidding process, gaganapin ang pre-bid conference sa conference room ng NDC building sa 116 Tordesillas street, Salcedo Village, Makati City.
Ipinaalala in ng PITC sa eligible bidders na kailangan nilang magbayad ng non-refundable fee para sa bidding documents bago ang takdang araw ng pre-bid conference.
Sa kabilang dako, nilinaw ni Army spokesman Lt. Col. Randolf Cabangbang, na hiniling nila sa PITC na partner ng Army para magsagawa ng bidding ng sa gayon maiwasan ang direct contact ng kanilang mga tauhan sa suppliers ng uniporme.
Sinabi pa ni Cabangbang ang procurement ng mga brand new camouflage suits at 100% cotton battle attire ay bahagi sa nagpapatuloy na small ticket acquisition program ng AFP.
Giit pa ni Cabangbang, pwera sa procurment ng bagong uniporme, nakalinya na rin ang dose-dosenang big ticket items sa ilalim ng capability upgrade program na pinangangasiwaan ng Department of National Defense (DND).
Kabilang sa itinuturing na big ticket items ay ang 155 mobile howitzers at iba pang mga heavy guns at mga land-based equipment.
The post Pre-bid conference sa P45-M Army uniform deal, itinakda sa July 29 appeared first on Remate.