HAWAK na ng pulisya ang ilang kuha ng close circuit TV cameras sa lugar na isinagawa ang pag-ambush sa Letran Knight point guard at misis nito kagabi.
Lumalabas ang anggulong “love triangle” sa krimen nang mapag-alamang bago ang pananambang ay may mga banta sa buhay na natatanggap ang player na si Franz Dysam mula sa mga naging kasintahan ni Joanne Sordan.
Ilan sa iimbestigahan ng pulisya ay ang nakarelasyon ni Sordan na isang basketball player, dating pulis at dati nitong asawa.
Kagabi nang mamatay sa ambush si Sordan habang sugatan naman si Dysam nang tambangan ng mga salarin na nakasakay sa motorislo habang papunta sa victory party ng team matapos manalo sa laro kontra Lyceum Pirates sa N. Domingo at Araneta Avenue, San Juan.
The post UPDATE: ‘Away-pag-ibig’ nasilip sa ambush sa Letran Knights player appeared first on Remate.