KINUMPIRMA ni Atty. Anacleto Diaz na hindi dadalo sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino sa Lunes, July 22 ang kanyang kliyenteng si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo.
Ayon kay Atty. Diaz hindi nag -apply o humingi ng permiso si Arroyo sa Anti-Graft Court para makalabas ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC).
Naka-hospital arrest si CGMA dahil sa kasong pandarambong dahil maanomalyang paggamit sa pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
The post CGMA, iisnabin ang SONA ni PNoy appeared first on Remate.