DAPAT umanong matanggal na ang age discrimination para sa mga Filipino na nag-aaplay ng trabaho sa abroad.
Sinabi ni Susan “Toots” Ople, Director ng Blas Ople Policy Center (BOPC) sa Balitaan sa Tinapayan sa Sampaloc, Maynila na balakid ang ipinapatupad na age limit para sa mga Filipino na gustong makapagtrabaho sa abroad.
Ayon pa kay Ople, kahit gaano ka-skill ang isang aplikanteng Pinoy ay hindi pa rin ito makakapagtrabaho dahil sa age limit.
“Sa ibang bansa hindi naman inilalagay ang age requirement tulad sa Australia dito lang sa Pilipinas dapat tingnan muna nila kung kuwalipikado para maging productive pa ang isang tao”ayon kay Ople.
Sanhi nito, sinusuportahan nila ang panukalang batas ni Senator Pia Cayetano na nagsusulong sa pagtanggal sa age limit ng nag-aaplay ng trabaho.
The post Age discrimination sa OFWs, alisin appeared first on Remate.