PATAY na nang matagpuan ang isang binata matapos magbigti sa Camarines Sur dahil sa problema sa kanyang nobya.
Kinilala ang biktima na si Lionel Leron, 24, ng Zone 6, Brgy. Bulawan Jr.
Sa imbestigasyon, nagbigti ang biktima gamit ang lubid na abaca.
Katabi ng bangkay ng biktima ang isang suicide letter na humihingi ng paumanhin sa kanyang pamilya at sinabing nagawa niya ang pagpapakamatay dahil sa problema sa kanyang nobya.
The post Problemado sa GF nagbigti appeared first on Remate.