Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Altas tinastas ang Chiefs

$
0
0

KUMAPIT sa segundo puwesto ang Perpetual Help Altas matapos pagpagin ang Arellano University Chiefs, 73-66 kanina sa season 89 ng NCAA senior men’s basketball tournament The Arena San Juan.

Nakaipon ng 15 puntos na kalamangan ang Altas upang alagaan na lang ito hanggang matapos ang laban at ilista ang pang-apat na panalo sa limang salang.

Nagsanib puwersa sina Chris Elorpe at Justine Alano sa third canto sa tinikadang pito at anim na puntos para sa Altas upang kalasan ang Chiefs na nakakapit sa first half.

“Gusto ko mag champion kami kasi last year ko na kaya tulong-tulong talaga kami para manlo.” ani Elorpe na tumapos ng 12 puntos.

Sa halftime tatlo lang ang lamang ng Perpetual, 41-38 dahil bumomba ng 12-0 run ang Chiefs upang sundan agad ang Altas na gustong kumawala.

Bumanat ng back-to-back baskets sina Kevin Oliveria at Juneric Baloria para ilista ang pinakamalking lamng ng Altas, 41-26 may 2:42 minuto sa second period.

Si Baloria ang nanguna opensa ng Altas matapos tumikada ng 21 points habang sinundan siya ni Alano na may 15 pts.

“Nagtrabaho kami kasi kailangan naming manalo dahil pagmatalo kami eh bababa ang kompiyansa namin.” wika ni Alano.

Kasama ng Altas ang defending champions San Beda College Red Lions sa second spot hawak ang 4-1 win-loss slate habang nalubog sa pang-pitong puwesto ang Legarda-based Arellano dala ang 2-3 karta.

The post Altas tinastas ang Chiefs appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>