Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Negosyanteng ginang dakip sa estafa

$
0
0

INARESTO sa bisa ng warrant of arrest ang 35-anyos na negosyanteng ginang na nahaharap sa kasong Estafa makaraang maaktuhan na nagsusugal sa loob ng Resort World Hotel and Casino kaninang madaling-araw sa Pasay City.

Ayon kay Insp. Angelo Aguas ng Station Anti-Illegal Drugs (SAID) ng Pasay police, alas-12:45 nang mamataan ng kanyang mga tauhan si Cheryl Moratilla, ng 2349 Cinco de Junio St., sa loob ng casino ng naturang hotel kaya’t isinilbi kaagad sa kanya ang arrest warrant na inilabas ni Judge Bonifacio Pascua ng Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 57.

Si Moratilla, kilala rin bilang Cheryl Go, ay inireklamo ng anak ni dating Manila Police District (MPD) Director Pete Bulaong na si Mitchelle Bulaong Gale, 35, bunga ng pag-iisyu ng talbog na tseke noong Mayo ng taong 2011 nang magkaroon sila ng transaksiyon sa Rockwell, Makati City.

Napag-alaman na nagtiwala si Gale na pagbentahan ng alahas si Moratilla na umaabot sa P3 milyon subalit tumalbog ang mga tsekeng ibinayad sa kanya.

The post Negosyanteng ginang dakip sa estafa appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>