IPINAG-UTOS ni Pangulong Benigno Aquino III kay Justice Secretary Leila de Lima ang malalimang imbestigasyon kaugnay sa nabunyag na P10-B pork barrel scam.
Sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na tiniyak naman sa kanila ni Sec. de Lima na makasisiguro ang lahat ng partido na magiging patas ang gagawin niyang imbestigasyon.
“The instruction, I believe, given to Secretary Leila de Lima is to ensure that it is exhaustively investigated. And Secretary Leila spoke to me yesterday and she told me that she can assure all parties concerned that this will be exhaustive, impartial, and a fair investigation. That’s the guarantee that this government and Secretary Leila de Lima can assure all the parties involved,” ayon kay Sec. Lacierda.
Binigyang diin ng kalihim na walang kikilingan at magiging patas ang pagsisiyasat ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isyu.
“Secretary Leila spoke to me yesterday and she told me that she can assure all parties concerned that this will be exhaustive, impartial, and a fair investigation. That’s the guarantee that this government and Secretary Leila de Lima can assure all the parties involved,” ang pahayag ni Sec. Lacierda.
Kaugnay nito, binalewala ng Palasyo ang pahayag ni Janet Lim Napoles, ang itinuturong utak sa P10-B ghost project scam na nagpadala siya ng liham kay Pangulong Aquino noong nakalipas na Abril 17 na nagsusumbong na kinikikilan siya ng P300 milyon ni Levito Baligod, abogado ng whistleblower na si Benhur Luy at ilegal na pinasok ng mga ahente ng NBI ang kanyang bahay.
Giit ni Lacierda, wala namang kakaiba sumulat si Napoles kay Pangulong Aquino dahil maraming tao ang nagpapadala ng sulat sa Punong Ehekutibo araw-araw.
“It’s a normal process where a lot of people, citizens, would write letters to government and this is not a special issue,” sabi ni Lacierda
The post PNoy kay de Lima: Imbestigasyon sa P10-B pork barrel scam laliman appeared first on Remate.