KILALA na ang bise-alkalde na nambugbog sa isang parking volunteer ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) nitong Biyernes sa Mabini St., Maynila.
Ayon kay Manila Vice Mayor Isko Moreno, mula sa isang bayan ng Samar ang bise alkalde at suspek batay na rin sa pagsasaliksik.
Nabatid na ang puting Starex van (ZSZ 458) ay nakapangalan sa isang Joseph V. Grey, kasalukuyang vice mayor ng Bgy. Aurora San Jorge, Samar, misis ng kasalukuyang mayor ng Western Samar na si Nancy Grey.
Sa ngayon, ani Moreno ay kanila nang pinag-aaralan ang posibleng isampang kaso laban sa mga responsable sa pambubugbog sa parking attendant na si Joseph Purisima.
Sinabi ni Moreno na masusing imbestigasyon ang kanilang gagawin dahil kailangan ang kumpirmasyon kung govertment official ang sangkopt. Aniya, maaari itong sampahan ng kaso sa Ombudsman.
Posible ring kanselahin ang business permit ng Prestige Barbershop and Salon sakaling mapatunayan na hinarang ang imbestigasyon.
Matatandaan na sabog ang mukha at nagkabukol sa mukha at ulo at halos mapisak ang mata ni Purisima matapos pagtulungang bugbugin ng bise alkalde at mga bodyguard nito.
The post Vice mayor na nambugbog ng parking attendant tukoy na appeared first on Remate.