LUMAKAS pa ang hambalos ng Bagyong Isang.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong alas-5:00 ng hapon, huling namataan ang bagyo sa layong 210 kilometers (km) hilagang-kanluran ng Aparri, Cagayan taglay ang lakas ng hanging umaabot sa 65 km per hour (kph) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kph.
Itinaas naman sa storm warning signal no. 1 ang Ilocos Norte, Calayan at Babuyan Group of Islands, at Batanes Group of Islands.
The post Bagyong Isang lumakas pa appeared first on Remate.