IPATUTUPAD ng Caloocan City ang Orange Lane sa mga bangketa upang mabawasan ang trapiko dahil sa mga walang disiplinang vendor sa lungsod.
Ayon kay Mayor Oscar Malapitan, ang linyang kulay kahel na may habang 450-metro ang maghihiwalay sa mga pedestrian at mga street vendor at magtatakda ng lugar para sa mga ito at hindi pwedeng lumagpas ang mga nagtitinda sa linya.
Bagama’t isa pa lamang itong eksperimento, ito naman ang naisip ng ating pamahalaang lokal bilang pangunang solusyon sa problema ng trapik sa lungsod, aniya.
“Pangunahing balakid sa daloy ng trapiko ang mga sidewalk vendor at mga pasahero, na nais nating masolusyunan sa pamamagitan ng ating orange lane program.
Mahigpit itong ipatutupad ng Department of Public Safety and Traffic Management na siya ring magbabantay sa oras ng pagtitinda sa kalsada,”ani Malapitan.
Papayagan lang ang mga sidewalk vendor na makapagtinda mula alas-4 ng hapon hanggang alas-5 ng umaga na magmimistulang night market.
Bahagi rin ang Orange Lane ng programang “Oplan Clean Agad” na naglalayong gawing malinis at maayos ang mga sidewalk at kalsada ng lungsod.
The post Orange Lane para sa mga sidewalk vendor, ipatutupad sa Caloocan appeared first on Remate.