NAGBIGAY na ng go signal ang Supreme Court upang maging state witness ang isang dating party-list representative laban sa dating opisyal ng Department of Finance na nahaharap sa kasong P11-million tax credit scam sa Sandiganbayan.
Binaligtad ng SC Third Division ang naging desisyun ng Sandiganbayan noong 2008 ng tanggihan na maging testigo si dating 1-Utak party-list Rep. Homer Mercado laban kina dating Finance Undersecretary Antonio Belicena, Deputy Director Uldarico Andutan Jr., Assistant Executive Director Raul de Vera at Rosanna Diala
Nag-ugat ang kaso ng mga dating DOF officials sa pagpapalabas ng dalawang tax credit certificates para sa JAM Liner Inc. na napatunayan na peke ng binuong task force ni dating President Joseph Estrada noong 1999.
Si Mercado na dating presidente ng JAM Liner, ay lumantad nuong taong 2000 upang tumestigo laban sa syndikato na nasa likod umano ng credit scam sa DOF one-stop shop.
Una ng kasama si Mercado sa mga kinasuhan ng graft at falsification ng Ombudsman ngunit iniatras din ng Ombudsman matapos aprubahan ng Department of Justice ang kahilingan nito na maisailalim sa witness protection program.
The post Pagtestigo ng ex-mambabatas oks sa SC appeared first on Remate.