BINAWI na ng European Union ang idineklarang ban sa Philippine flights.
Dahil dito, balik-biyahe na ang Philippine carrier na Philippine Airlines sa alinmang European countries.
Nakasaad sa kanilang statement na bunsod ito ng commitment ng Pilipinas na tatalima sa international aviation safety standards.
Mismong ang ambassador ng EU sa Pilipinas ang nagsagawa ng anunsyo sa tanggapan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa Pasay City.
Nasa 15 taon na ang nakakaraan mula ng huling bumiyahe ang PAL sa Europe.
The post EU ban sa Pinas binawi na appeared first on Remate.