ITINAAS na sa signal number 1 sa Batanes group of islands dahil sa bagyong Huaning.
Huling namataan ang sama ng panahon sa layong 1,150 kilometro sa silangan ng Itbayat, Batanes, taglay ang lakas na 175 kilometro kada oras at pagbugsong 210 kilometro bawat oras.
Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Ang nasabing bagyo ay magdadala ng 10 hanggang 25 milimetrong ulan kada oras (heavy-intense) sa loob ng 800 kilometro sa kaniyang diametro.
The post Batanes, Signal No. 1 na appeared first on Remate.