Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Sapi ni Danding sa UCPB pag-aari ng gobyerno

$
0
0

PINAL nang idineklara ng Korte Suprema na pag-aari ng gobyerno ang shares o sapi ng negosyanteng si Danding Cojuangco sa United Coconut Planters Bank (UCPB).

Iyan ay makaraang ibasura ng Kataas-taasang Hukuman sa botong 14-0 ang motion for reconsideration na inihain ni Cojuangco.

Sa ipinadalang summary ng Public Information Office ng Korte Suprema, tinukoy na walang bagong naiprisintang argumento si Cojuangco sa kanyang MR.

Nauna nang nagpalabas ng kautusan noong November 27, 2012 ang Korte Suprema kung saan pinagtibay nito ang desisyon ng Sandiganbayan na nagsasabing hindi niya maaaring akuin ang kanyang sapi sa UCPB dahil iyon ay kanyang nabili gamit ang pondo mula sa coco levy na isang public fund.

Dahil dito, itinuturing na public property ang share ni Cojuangco sa nasabing bangko.

Ang coco levy ay galing sa buwis na ipinatupad sa mga magniniyog noong panahon ng batas militar.

Nakakuha si Cojuangco ng 7.22 percent na shares sa UCPB sa pamamagitan ng kasunduan na pinasok sa Philippine Coconut Authority noong May 25, 1975 na pinawalang bisa ng Sandiganbayan at sinang-ayunan ng Korte Suprema.

The post Sapi ni Danding sa UCPB pag-aari ng gobyerno appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan