KINUMPIRMA ng Philippine Embassy sa United States na limang Filipino-Americans na sakay ng bumagsak na Asiana Airlines plane flight ang nasugatan sa San Francisco International Airport.
Ayon sa Twitter ng naturang embahada, nagtamo ng minor injuries sina Maricel Anino Knaus at ang kanyang dalawang anak, ang mag-asawang sina Ruben at Belen.
Kinumpirma ng Philippine Embassy na sakay si Knaus at ang kanyang mga anak ng Asiana Airlines Flight 214 kasama si Valleros, na pabalik na sana sa San Francisco matapos ang kanilang tatlong linggong bakasyon sa Pilipinas.
Nabatid din na nakalabas na ng ospital ang mga naturang Fil-Am.
The post 5 Fil-Am sugatan sa bumagsak na Asiana Airlines plane appeared first on Remate.