INIHAIN ni Senador Franklin Drilon ang isang panukalang batas upang repasuhin ang Sandiganbayan law na naglalayong pabilisin ang paglilitis sa nakabinbin na kaso sa anti-graft court.
Sa Senate Bill No. 470, partikular ni pinaaamyendahan ni Drilon ang Section 3 ng Sandiganbayan law na nagre-require na dapat may atleast tatlong miyembro justices bago magkaroon ng pagdinig sa bawat kaso.
Sa panukala ni Drilon, nais nito na ang bawat justice ng anti-graft court ay payagang duminig at tumanggap ng ebidensya sa kani-kanilang division na kinabibilangan.
Nakapaloob din sa panukala na ang bawat kaso ay may justice-in-incharge na siyang magmo-monitor at magreport sa kalagayan ng kaso sa mga miyembro ng kanyang division.
“The existing provision became inapplicable to the present times since the government has expanded and cases filed before them have multiplied over the years, and that provision only contributes to the increasing number of unresolved cases,” ani Drilon.
Sa impormasyon na nakalap ni Drilon, ang isang kaso na inihain sa Sandiganbayan ay inaabot ng mula lima hanggang walong taon bago madisisyunan.
Nabatid na tinatayang nasa 2,600 ang nakabinbin na kaso ngayon sa Sandiganbayan.
The post Sandiganbayan, rerepasuhin ng Senado appeared first on Remate.