PUMASOK na ng bansa ang bagyong Huaning kaninang tanghali, Hulyo 10, 2013 (Miyerkules).
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) namataan ang mata ng bagyong Huaning alas-10:00 ng umaga kanina sa layong 1,240 kilometer ng Silangan ng Itbayat, Batanes.
Sinabi ng Pagasa na si Huaning ay may lakas ng hangin na 175 kilometro bawat oras malapit sa gitna at bugso ng nito na aabot sa 210 kilometro bawat oras.
Kumikilos si Huaning sa direksyon na Kanluran Hilagangkanluran sa bilis na 20 kilometro bawat oras.
Nabatid pa sa Pagasa na inaasahang si Huaning ay nasa 820 kilometro ng Silangan ng Itbaya, Batanes, bukas ng umaga at 450 kilometro ng Hilagasilangan ng Itbaya, Batanes sa Biyernes ng umaga.
Habang sa Sabado ng umaga inaasahang si Huaning ay nasa 450 kilometro ng Hilaga ng Itbaya o sa bisinidad ng Hilaga ng Taiwan at inaasahang papalabas na ito ng Philippine area of responsability.
The post Bagyong Huaning pumasok na ng bansa appeared first on Remate.