Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Karpintero itinumba ng 4 killer sa Taguig

$
0
0

INAALAM ng Taguig City police ang motibo sa pamamaslang sa 33-anyos na karpintero nang pagbabarilin ito ng apat na armadong mga suspek na pawang may nakabalot na tuwalya sa kanilang ulo habang naninigarilyo ang biktima sa harapan ng kanilang bahay kagabi sa Taguig City.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang si Bimbo Lumabi, ng 02 Apple St., Purok 3 Barangay New Lower Bicutan sanhi ng mga tinamong tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa iba’t-ibang bahagi ng katawan nito.

Sa imbestigasyon ni PO2 Ruchyl Gasid ng Criminal Investigation Unit ng Taguig police, alas-12:15 ng hatinggabi nang maganap ang pamamaril sa biktima habang naninigarilyo sa harapan ng kanilang bahay.

Inaresto naman ng mga nagrespondeng pulis si Herson Coloma, 33, construction worker at residente ng 8 Teodoro Santos Avenue, New Lower Bicutan subalit pinawalan din kaagad matapos ihayag ng kinakasama ng biktima na si Minerva Makahipay, 45 at kapatid na si Frank Lumabi na si Coloma pa nga ang unang sumaklolo at humingi ng tulong upang madala sa pagamutan ang nasawi.

Hinala naman ng pulisya na may kinalaman sa ilegal na droga ang pamamaslang matapos aminin ni Makahipay at ng kapatid ng biktima na drug addict ang nasawi at pasikreto pa nitong kinausap sa cell phone sa loob ng kanilang banyo ang isang alyas Mio bago nangyari ang pamamaril.

The post Karpintero itinumba ng 4 killer sa Taguig appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>