KINUMPIRMA ng Department of Foreign Affairs na itinaas na ang crisis alert level 2 para sa mga Pinoy sa Egypt.
Sa isang press conference, sinabi ni DFA Spokesperson Raul Hernandez na ito ay dahil sa patuloy na nagaganap na tensyon sa Egypt kaugnay ng pagpapatalsik sa kanilang pangulong si Mohammed Morsi.
Pinapayuhan ang mga Pinoy na manatili sa kanilang bahay kung wala rin namang importanteng lakad habang pinaghahanda na rin ang mga Pinoy sa posibleng paglikas.
Itinigil na rin sa kasalukuyan ang pagproseso ng mga papeles ng bagong overseas Filipino workers (OFWs) patungong Egypt.
Nakahanda rin ang mga opisyal ng Embahada ng Pilipinas upang tulungan ang sinumang mangailangan.
The post Crisis alert level 2 itinaas sa Egypt appeared first on Remate.