INAASAHAN ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na wala ng kolorum na pampasaherong bus ang dadaan sa kahabaan ng EDSA makaraang buksan ang pinakahuling terminal ng Bus Management and Dispatch System (BMDS) sa Coastal Mall sa Paranaque City kanina.
Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, tiniyak ng BMDS na walang colorum o out-of-line bus units na bumibiyahe sa EDSA dahil beniberipika nito ang license plates ng mga bus mula sa database ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ang BMDS ay pinagandang bus dispatch system na hindi lamang kumukontrol sa bilang ng public utility buses dahil minomonitor din nito ang mga driver sa pamamagitan ng biometrics o finger-scanning para maberipika ang kanilang profile o katauhan at malalaman dito kung may mga nilabag na batas trapiko.
Inisyal na inilunsad ng MMDA bus dispatch terminal ang programa sa Fairview, Quezon City, dalawa pang major terminals sa Malabon at Alabang habang nagtayo naman ng 10 satellite stations sa buong Metro Manila.
“The system also aims to ensure the safety of commuters as only drivers with less than three pending traffic violations will be dispatched from the terminal; those with more than three should settle their traffic violation tickets first before being allowed to ply their routes,” sabi ni Tolentino.
Ayon pa sa MMDA, mahigit 900 pampasaherong bus ang kaya ng Coastal Mall kung saan ang nabatid na terminal ay ika-apat at panghuling BMDS.
Nakarehistro ang may kabuuang 5,862 city buses sa database,kung saan naka-ugnay rin sa ibang ahensiya gaya ng Land Transportation Office (LTO),LTFRB at National Bureau of Investigation (NBI).
The post Pinakahuling BMDS sa Paranaque binuksan ng MMDA appeared first on Remate.