IKINAALARMA ng Gabriela Partylist group ang ulat ng National Statistics Office (NSO) na tumaas ang bilang ng mga babaeng teenager na nabubuntis.
Sinabi ni Gabriela Rep. Luz Ilagan na delikado ang maagang pagbubuntis dahil isa ito sa mga dahilan ng pagtaas ng maternal mortality rates.
Kumbinsido si Ilagan na posibleng lumala pa ang kaso ng teenage pregnancy kung hindi mabibigyan ng sexuality education ang mga kabataan.
“That rise on teenage pregnancy will go up further if our young are not provided sexuality (not sex) education, if more young girls drop out of school and become vulnerable to early initiation to sex,” ani Ilagan.
Makabubuti rin aniya kung matututukan ang drop outs sa mga eskwelahan dahil isa ito sa dahilan kung bakit nae-expose ang mga batang babae sa maagang sex initiation.
Pinuna rin ng kongresista ang kawalan ng basic health information and services sa mga health center.
Unang iniulat ng NSO na dumoble ang bilang ng mga teenager na nanganak mula taong 2000 hanggang 2010.
The post Paglobo ng teenage pregnancy ikinaalarma appeared first on Remate.