OBLIGASYON ng isang mambabatas ang gumawa ng batas at hindi ang mamudmod ng Countrywide Development Fund (CDF) o pork barrel.
Naniniwala si dating Justice Secretary at ngayon ay neophyte congressman na si Silvestre Bello III ng 1-BANAT AHAPO PARTY-LIST na magkakaroon lamang ng focus ang mga mambabatas sa paggawa ng batas kung tuluyan nang bubuwagin ang pork barrel.
Ayon sa kongresista, “incidental” lamang ang pork barrel sa mga mambabatas dahil ang pangunahin naman aniyang gampanin ay ang lumikha ng mga de-kalidad na batas.
Sa huli ay sinabi ni Bello na ang mayorya pa rin ang masusunod na aniya’y handa niya namang irespeto.
Agad naman itong sinopla nina Ilocos Norte at Deputy Majority Leader Rodolfo Fariñas at Negros Occidental Rep. Alfredo “Albee” Benitez.
Paliwanag ni Fariñas na ang pork barrel ay hindi naman obligadong tanggapin ng isang mambabatas kung sa tingin niya ay makasisira ito ng kaniyang gampanin bilang tagalikha ng mga batas.
“The PDAF is the fastest and most direct fund that the people thru their mayors or Brgy. Chairmen can tap for their immediate needs. Now, anyone who doesn’t want his PDAF is not obliged to get it. If anyone feels distracted in his legislative work by his PDAF, he is not obliged to avail of it,” ani Fariñas sa isang text message.
Tutol din si Benitez na buwagin ang pork barrel at sa halip ay nais niyang paigtingin pa ang implementasyon nito at kung maaari ay ipa-audit.
“Reps have dual roles. They are also responsible with certain development programs in their districts. Let us just instead strengthen the implementing guidelines and audit on those funds,” ayon naman kay Benitez.
The post Pagbuwag sa pork barrel inalmahan ng solons appeared first on Remate.