Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Pagbili ng mamahaling sasakyan, phone ng mga pari, ikinalungkot ni Pope Francis

$
0
0

AMINADO si Pope Francis na labis siyang nasasaktan kapag nakakakita ng mga pari na nagmamaneho ng mamahaling sasakyan, sanhi upang payuhan niya ang mga ito na maging matipid at humble, sa halip na bumili ng mga mamahaling sasakyan at makabagong uri ng mga smartphone o fashion accessory.

Kasabay nito, iginiit ni Pope Francis na hindi ang pagkakaroon ng magagarang sasakyan at magagandang gamit ang daan tungo sa kaligayahan.

Aminado naman ang Santo Papa na mahalaga ang sasakyan upang magampanan ang tungkulin ng mga pari, ngunit mas mainam aniya kung pipili na lamang ng murang sasakyan.

Payo pa nito, bago isiping bumili ng mamahaling behikulo ay dapat munang isipin ng mga pari ang kalagayan ng maraming bata na namamatay dahil sa gutom sa iba’t ibang panig ng mundo.

“It hurts me when I see a priest or a nun with the latest model car, you can’t do this,” anang Santo Papa.

“A car is necessary to do a lot of work, but please, choose a more humble one. If you like the fancy one, just think about how many children are dying of hunger in the world,”  aniya pa.

Si Pope Francis ay gumagamit ng isang compact Ford Focus sa paglilibot niya sa Vatican City at simula nang maging Santo Papa ay mas piniling manirahan sa isang Vatican guest house, sa halip na luxurious na papal apartments.

The post Pagbili ng mamahaling sasakyan, phone ng mga pari, ikinalungkot ni Pope Francis appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>