WINAKASAN ng isang misis ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili linggo ng umaga July 7, sa loob ng bahay nito sa Merville Subdivision, Tanza, Navotas City.
Dead on arrival sa MCU hospital si Michelle Zozomo y Marino, 29, sanhi ng pagtali ng nylon cord sa leeg nito.
Ayon sa ulat, dakong alas 9:45 ng umaga ng matagpuang nakabitin at wala ng buhay ang biktima sa loob ng kanilang bahay sa nasabing lugar.
Nauna rito, nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang biktima at live-in partner nitong si Marlon Falogne y Ventura ng hindi pumayag ang biktima na gumastos pa sa darating na birthday ni Marlon.
Hanggang sa umalis si Marlon at pagbalik nito nakita na lamang na nakabitin na ang biktima sa window grill ng bahay.
Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya at inaalam kung may naganap na foul play sa insidente.
The post Dahil sa bday party, misis nagbigti appeared first on Remate.